89 preso pa tinamaan ng COVID-19 sa Ilocos Norte
Ayon kay Governor Mathew Manotoc, ang huling resulta ay mula pagsusuri sa unang mahigit 130 detainees sa serye ng expanded target testing na isinagawa sa kulungan at sa buong lalawigan. Aniya, umabot na sa 357 confirmed cases ng COVID-19 ang Ilocos Norte at 174 ang aktibo.
AFP/Yonhap

89 preso pa tinamaan ng COVID-19 sa Ilocos Norte

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2020 - 12:00am

Jail nagmistulang quarantine facility

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nagmistulang quarantine facility ang Ilocos Norte Provincial Jail sa Laoag City matapos ihiwalay at pinagsama-sama sa ilang selda ang 89 na bilanggo makaraang magpositibo sa COVID-19 noong Linggo.

Ayon kay Governor Mathew Manotoc, ang huling resulta ay mula pagsusuri sa unang mahigit 130 detainees sa serye ng expanded target testing na isinagawa sa kulungan at sa buong lalawigan. Aniya, umabot na sa 357 confirmed cases ng COVID-19 ang Ilocos Norte at 174 ang aktibo.

Matatandaan na ­unang nagpositibo ang 12 na preso noong nakaraang linggo na umano’y nagkaroon ng exposure sa anim na kawani ng Provincial Jail na unang tinamaan ng virus.

Nabatid na lahat ng mga nagpositibong preso ay pawang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas.

Ayon sa gobernador, ang 89 preso na nagpositibo sa virus ay kasama sa 92 na bagong kaso sa buong lalawigan na sinasabing pinakamalaking naitalang bilang sa loob ng isang araw.

Dahil dito, umakyat na sa 200 COVID cases ang naitala sa Laoag City na nasa ikaapat na araw nang naka-modified enhanced community quarantine (MECQ).

QUARANTINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with