Jeep salpok sa motor: 3 magkakaanak patay
Hindi na umabot nang buhay sa Tanchu­ling Hospital at Sta. Maria Josefa Hospital dahil sa matinding mga pinsala sa katawan at ulo ang mga biktima na sina Laurenz Avila Alfelor, 21-anyos ng Brgy. San Pedro, Iriga City; Lorena Bulalacao Alfelor, 40, at Margie Alfelor Musa, 38; pawang ng Brgy. Sagrada, nasabi ring lungsod.
STAR/File

Jeep salpok sa motor: 3 magkakaanak patay

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2020 - 12:00am

IRIGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Tatlong magkakamag-anak na magkakaangkas sa motorsiklo ang patay matapos na magkalasug-lasog ang kanilang katawan nang salpukin sila ng kasalubong na pampasaherong jeep sa kahabaan ng national highway ng Brgy. San Pedro, dito, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Tanchu­ling Hospital at Sta. Maria Josefa Hospital dahil sa matinding mga pinsala sa katawan at ulo ang mga biktima na sina Laurenz Avila Alfelor, 21-anyos ng Brgy. San Pedro, Iriga City; Lorena Bulalacao Alfelor, 40, at Margie Alfelor Musa, 38; pawang ng Brgy. Sagrada, nasabi ring lungsod.

Tinutugis naman ang driver ng jeepney na nakabangga makaraang tumakas.

Sa ulat, dakong alas-7 ng gabi, binabagtas ng motorsiklo ng mga biktima na minamaneho ni Laurenz ang highway paakyat sa bulubundu­king lugar ng lungsod makaraang mamalengke sa bayan. Gayunman, nabangga sila ng kasalubong at hindi naplakahang pampasaherong jeepney.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon lahat sa kalsada ang mga biktima pero sa halip na tumigil ang driver ng jeep ay pinaharurot nito ang kanyang sasakyan papatakas sa lugar.

Agad sinaklolohan ng mga nakasaksi ang mga biktima at magkakahiwalay na isinugod sa pagamutan pero pawang idineklarang dead-on-arrival.

AKSIDENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with