Rider pinabulagta ng tatlong lalaki
Dead-on-the spot makaraang mapuruhan ng punglo sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang kinilalang si Ronnil Dequino Laurio, binata at residente ng Brgy.Luy-a.Mabilis namang tumakas patungo sa hindi malamang direksyon ang mga gunmen matapos ang pamamaril.
STAR/File

Rider pinabulagta ng tatlong lalaki

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

AROROY, Masbate, Philippines — Bulagta sa kalsada ang isang 33-anyos na rider matapos na pagbabarilin habang nagmomotor ng tatlong gunmen sa kahabaan ng barangay road ng Sitio Bart-ag,Brgy.Concepcion ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Dead-on-the spot makaraang mapuruhan ng punglo sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang kinilalang si Ronnil Dequino Laurio, binata at residente ng Brgy.Luy-a.Mabilis namang tumakas patungo sa hindi malamang direksyon ang mga gunmen matapos ang pamamaril.

Sa ulat,dakong alas-11:20 ng umaga sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at binabagtas ang kalye ng nasabing barangay nang sumulpot sa kanyang daraanan ang tatlong armadong suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril ito sa katawan na agarang nasawi.

Nakuha ng mga pulis sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng M16 Armalite Rifle at tatlong basyo ng Kalibre 45.

RIDER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with