3 Sayyaf bomber nasabat, dedo sa encounter
Agad umanong na­matay ang isa sa mga suspek habang ang da­lawa ay idineklarang dead-on-arrival sa ospital.
STAR/ File

3 Sayyaf bomber nasabat, dedo sa encounter

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

Planong pagpapasabog sa Mindanao nasilat

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos na makaengkuwentro ang mga tauhan ng Philippine National Police-Intelligence Group sa Zamboanga City, kahapon.

Sa report na nakara­ting sa Camp Crame, ang mga ASG terrorists na sina Radi Nalul Tahirin, Hasan Alimin, at Abdilla Aspalin ay magsa­sagawa sana umano ng mga serye ng pagsabog sa Mindanao nang masabat ng mga awtoridad.

Nauna rito, nakatanggap ang PNP-IG na patungo ang tatlong ASG members sa Zamboanga City mula sa Sulu upang maghasik ng karahasa­nan sa pamamagitan ng mga pambobomba sa mga target na lugar sa Mindanao.

Naharang ng mga pulis ang pump boat ng mga suspek na armado ng mga baril na nagbunsod ng bakbakan. Narekober din ang pump boat at iba’t ibang uri ng pampasabog.

Agad umanong na­matay ang isa sa mga suspek habang ang da­lawa ay idineklarang dead-on-arrival sa ospital.

ASG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with