Lady trader niratrat sa ulo saka tinangayan ng bag

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Isang 51-anyos na babaeng negosyante ang patay makaraang pagbabarilin sa ulo ng mga ‘di nakilalang suspek sa Arellano St, Zone III, Koronadal City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilala na si Maria Ruby Garcia, may-ari ng vulcanizing shop sa lugar.

Ayon sa isang saksi sa pamamaril na si alyas “Noy”, bigla umanong nilapitan ng isa sa mga suspek si Garcia at pinaputukan ng dalawang beses sa ulo saka tinangay ang bag nito, dakong alas-6:30 ng gabi. Lalapitan pa sana umano nila ang biktima para tulu­ngan ngunit tinutukan din sila ng baril ng mga suspek.

Sakay ng pick-up, agad na tumakas ang mga salarin sa direksyon papuntang Barangay Sta. Cruz ang mga salarin.

Dahil dito, tinangka pang habulin ng mga saksi ang mga suspek upang makuha ang plaka ng get away vehicle na gray pickup ngunit hindi na nila naabutan.

 

RUBY GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with