2,500 puno ng marijuana nadiskubre

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

KORONADAL CITY, Philippines —  Nasa 2,500 na puno ng fully grown marijuana plants ang nadiskubre at binunot sa hangganan ng Sitio Alyong, Brgy. Danlag, Tampa­kan, South Cotabato at Sitio Atbol ng Kimlawis, Davao del Sur kahapon ng madaling araw.

Ang mga binunot na marijuana plants, ayon sa pulisya ay nagkaka­halaga ng mahigit P200,000.

Kasama sa operas­yon ng Tampakan Police na pinamumunuan ni Captain Ramel Aruelo ang mga kasapi ng Regional Mobile Force Police Battalion, Intelligence Unit at Police Drug Enforcement Unit ng PNP Region 12 katuwang ang 39th Infantry Batallion ng Philippine Army, mga barangay officials ng Danlag at Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) South Cotabato.

Natukoy ng pulisya ang may-ari ng natuklasang marijuana plantation na si Emmanuel Fernandez alyas “Commander Bobo” ng Barangay Poblacion, Tampakan pero wala siya sa plantasyon nang suma­lakay ang mga awtoridad.

Karamihan sa mga binunot na marijuana plants ay sinunog ng mga pulis sa lugar habang ang ilang mga sample ay ikinustodya ng PDEA South Cotabato.

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with