6 teroristang BIFF sumuko sa mayor
Sa ulat, ang mga bandidong sina Badto­ngan Amino, Rasid Sangkali, Nasrudin Talib, Mohammad Abdul Samad, Khulo Amino at Aladin Gaapar ay sumuko kina Shariff Aguak Ma­guindanao Mayor Engr. Marop Ampatuan at Ist Mechanized Infantry Battalion commander Lieutenant Colonel Cresencio Sanchez Jr.
The STAR/Boy Santos, file

6 teroristang BIFF sumuko sa mayor

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Anim na miyembro ng teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters­ (BIFF)-ISIS Dawlah Isla­miyah ang sumuko sa pamahalaan sa lalawi­gan ng Maguindanao.

Sa ulat, ang mga bandidong sina Badto­ngan Amino, Rasid Sangkali, Nasrudin Talib, Mohammad Abdul Samad, Khulo Amino at Aladin Gaapar ay sumuko kina Shariff Aguak Ma­guindanao Mayor Engr. Marop Ampatuan at Ist Mechanized Infantry Battalion commander Lieutenant Colonel Cresencio Sanchez Jr.

Ang anim na terorista­ ay mga tauhan ni Kumander Ustadz Karialan ng Karialan faction ng BIFF. Isinuko rin nila ang kanilang matataas na uri ng armas, dalawang Improvised Explosive Device (IED), mga bala, magazine at mga kagamitan sa paggawa ng bomba.

Nagpasalamat naman­ si 6th Infantry (Kampilan) Division chief at Joint Task Force Central commander Major General Juvymax Uy kay Mayor Ampatuan sa pagtulong nito sa negosasyon sa pagsuko ng mga rebelde na nakatanggap na ng tulong pinansiyal at livelihood assistance mula sa LGU-Shariff Aguak at sa pamahalaan.

Hinikayat naman ni MGen. Uy ang iba pang miyembro ng BIFF at Armed Lawless Groups (ALGs) sa Maguindanao na su­muko na at magba­gong buhay.

BIFF
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with