1,664 paaralan sa Cagayan Valley nasira kay ‘Ulysses’

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2020 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Nasa 1,664 na paaralan sa buong Cagayan Valley (Region 2) ang nasira at naapek­tuhan sa pananalasa­ ng nagdaang bagyong Ulysses, ayon sa Department of Education (DepEd)-Region 2 ka­hapon­.

Sinabi ni Dr. Amir Mateo Aquino, information officer ng DepEd-Region 2, walo nilang Schools Division Offices sa buong rehiyon ang apektado sa hagupit ng bagyo. Karamihan sa mga tina­maan ng pagbaha ay ang mga paaralan sa lalawigan ng Cagayan na nalubog sa tubig.

Umabot din sa 2,856 na mga teaching at non-teaching personnel ang naapektuhan dahil sa ma­tinding pagbaha bunsod ng bagyong Ulysses.

Naitala rin na tatlong mag-aaral ang nasawi sa landslide na kinilalang sina Julie Ann Taniza, Grade 9 ng Runruno, Quezon, Nueva Vizcaya­; King Jim Bragasin, Grade 11, Frank Jay Pagula­yan, Grade 12, kapwa mag-aaral ng Baggao National High School sa Baggao, Cagayan at John Bryce Magunddayao, Grade 5 ng Nassipping Elemen­tary School sa lalawigan din ng Caga­yan na nasawi naman sa pagka­lunod.

Ayon kay Aquino, hindi pa man natatapos ang isinasagawang imben­taryo at assessment ng DepEd-Region 2 ay uma­bot na rin sa P91 milyon ang halaga ng pinsala sa mga paaralan at kagamitan dahil sa bagyo.

Bukod sa mga gusali, silid-aralan ay pinakama­rami ang nasirang mga gadgets tulad ng mga computers, laptop, prin­ters, learning materials, teaching kits at mga mo­dules ng mga mag-aaral na winasak ng malawa­kang pagbaha.

Sa kasagsagan ng bagyo, nagsilbing eva­cua­tion centers ang may 294 na paaralan na nasa ligtas at mataas na lugar para sa mga pamilyang nawalan ng mga taha­nan.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy sa pag-iikot ang pamunuan ng DepEd-Region 2 para mamahagi ng relief assistance sa mga apek­tadong guro, mag-aaral at iba pang kawani ng DepEd na apektado sa pananalasa ng bagyo.

DEPED
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with