Driver naatrasan ng trak, pisak

JOVELLAR, Albay, Philippines — Isang 66-anyos na driver ang nasawi matapos na maatrasan ng kanyang mini dump truck habang tinitingnan kung ano ang sira sa sasakyan sa palusong na bahagi ng spillway ng Brgy. Aurora sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Sinubukan pang isugod sa Gata Hospital sa bayan ng Guinobatan pero idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Madiobe Beltran Baganan na residente ng Brgy. Calzada, Jovellar.

Sa ulat, dakong ala-1:50 ng hapon habang minamaneho ng biktima ang kanyang trak habang hila-hila paakyat ng daan ang isang van na na-trap sa spillway, nang biglang pumalya ang trak.

Bumaba ang biktima at pumunta sa likurang bahagi ng truck para tingnan kung ano ang naging problema. Gayunman, habang nasa likurang bahagi ay biglang umatras ang trak at nagulungan siya sa tiyan at dibdib sanhi ng kanyang pagkasawi.

Show comments