^

Probinsiya

Mag-asawang guro sumalpok sa truck, patay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang guro sumalpok sa truck, patay
Kinilala ang mga nasawi na sina Mark Abad Ventura, 29-anyos, at misis na si Jaysa, 27 na kapwa nasawi habang ginagamot sa ospital.
STAR/ File

Papasok sa iskul para sa teaching modules

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Patay ang isang mag-asawang guro matapos makipagsalpukan ang kanilang motorsiklo sa rumaragasang truck habang patungo sa pinapasukang pampublikong paaralan sa highway ng Barangay Mataguisi, Pudtol, Apayao noong Biyernes.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mark Abad Ventura, 29-anyos, at misis na si Jaysa, 27 na kapwa nasawi habang ginagamot sa ospital.

Sa report ng pulisya, naganap ang salpukan ng dalawang sasakyan sa kurbadang bahagi ng highway dakong alas-8:00 ng umaga. Ang lugar ng aksidente ay ilang metro na lang ang layo sa Mataguisi Comprehensive National High School kung saan patungo sa trabaho ang mag-asawang Ventura. Nakasuot pa umano ng raincoat ang dalawa at madulas ang kalsada dulot ng malakas na buhos ng ulan nang maganap ang trahedya.

Bagama’t wala namang face-to-face clas­ses, sinasabing nagre-report ang mag-asawa sa paaralan upang sundan ang kalagayan ng kanilang pinamumudmod na teaching modules.

Naunang nalagutan ng hininga si Mark habang ginagamot sa ospital habang kinailangang ilipat ang misis na si Jaysa sa Cagayan Valley Medical Center dahil sa maselang kalagayan pero hindi na rin nagtagal ang kanyang buhay.

Sumuko naman sa awtoridad ang drayber ng trak na si Reynaldo Maruquin, 39, na taga Sta. Marcela, Apayao.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with