BIFF kumander, 2 pa sumurender
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Tatlong mi­yembro ng local terrorist group na Bangsamoro Islamic­ Freedom Figh­ters­­ (BIFF) ang sumuko sa mili­tar, partikular sa 34th Infantry Battalion sa Northern Kabuntalan, Maguindanao nitong Oktubre 27.

Ang mga sumuko na ‘di muna inihayag ang pangalan at isa sa kanila ay brigade commander ng samahan ay mga residente ng Sitio Bentad at Sitio Macantal ng Brgy. Ulandang, Midasayap, North Cotabato.

Ang mga dating rebelde ay mula sa pang­kat ni wanted BIFF leader Imam Karialan at nanumpa na hindi na babalik sa pakikibaka.

Kasamang isinuko ng mga dating rebelde ang bitbit nilang armas na Caliber 50 BMG 12.7x99mm sniper rifle at isang M14 sniper rifle Barret at mga bala.

BIFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with