Magsasaka tinangay ng baha, nalunod
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

SAN ANTONIO, Quezon, Philippines — Namatay sa pagkalunod at bangkay na nang matagpuan ang isang magsasaka makaraang tangayin ng baha ang sinasakyan nitong tricycle habang nakaligtas naman ang driver at isa pang pasahero kamakalawa ng gabi sa Barangay Del Valle ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Angelito Buenaventura, 53,may asawa at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-9:30 ng gabi ay sakay ang biktima at isa pang pasahero na si Roberto Rosales sa tricycle na minamaneho ni Noriel Garcia at tinangkang tawirin ang spillway na lubog na sa tubig baha bunsod ng walang tigil na pag-ulan na dala ng bagyong Quinta.

Habang nasa gitna ng lubog ng spillway ay tinangay ng rumaragasang alon ang tricycle gayunman ay mabilis na nakalangoy patungo sa pampang sina Garcia at Rosales, subalit ang biktima ay lumubog at natagpuan dakong alas 11:30 ng umaga kahapon.

BAHA LUNOD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with