Dayong obrero na tumangay ng tinda ni lolo, arestado
Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Arestado ang isang 29-anyos na construction worker makaraang tangayin ang 10-kilong karne ng baboy na tinda ng isang 71-anyos na biyudong lalaki sa kahabaan ng Bangad – Fort Magsaysay Road ng Barangay Kalikid Sur ng lungsod na ito noong Linggo ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Lt. Col. Arnel Dial, hepe ng pulisya rito, ang suspek na si Rudy Regindin, 29, binata ng Purok 1, Barangay Padre Crisostomo ng lungsod na ito, na nadakma ng pinagsanib na puwersa ng Patrulya ng Bayan ng Cabanatuan City Police station at ng bantay bayan ng Barangay Bangad.

Dahil dito, naisauli sa biktima na nakilalang si lolo Cresencio Asuncion, 71, isang meat vendor ng Barangay Kalikid Sur, dito, ang paninda nitong siyam na kilong karne ng baboy at isang kilo ng longganisa na nakalagay sa loob ng isang Styrofoam box, at nagkakahalaga ng P2,940. Kasong theft ang nakatakdang isampa laban sa suspek na dumayo pa upang manangay ng hilaw na karne.

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with