Curfew sa Baguio, niluwagan na
Sa bisa ng EO 159, ginawa nang alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw ang curfew sa Baguio City mula sa dating alas-9:00 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw na sini­mulang ipatupad noong nakaraang Mayo.
STAR/Andy G. Zapata Jr., file
Curfew sa Baguio, niluwagan na
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Niluwagan na ng lokal na pamahalaan ang ipi­naiiral na general curfew sa lungsod ng Baguio base sa ipinalabas na executive order (EO) ni Mayor Benjamin Magalong kahapon.

Sa bisa ng EO 159, ginawa nang alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw ang curfew sa Baguio City mula sa dating alas-9:00 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw na sini­mulang ipatupad noong nakaraang Mayo.

Hindi saklaw ng general curfew ang mga naka­talaga sa frontline services, security services at sa mga pinahihintulutang industriya.

Sinabi ni Magalong na tulad ng dati, ang mga menor-de-edad na 15 pababa at senior citizens na 65 pataas, buntis at may iniindang karamdaman ay hindi pa rin pinapayagang lumabas ng bahay ma­liban lamang kung ito ay medical emergency, pagtugon sa pangangailangan at trabaho maging ang kumpirmadong konsultasyon sa doktor.

CURFEW
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with