Kolektor ng lending firm todas sa tandem
Kinilala ni P/Lt. Col. Criselda de Guzman, hepe ng pulisya rito, ang biktima na si Erwin San Pedro, 32-anyos, may-asawa at kolektor ng Brotherhood Micro Finance.
STAR/File
Kolektor ng lending firm todas sa tandem
Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

GAPAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang lending collector makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki habang paalis ng kanyang bahay sa kahabaan ng NIA Road, sakop ng Sitio Pinagpala, Barangay San Nicolas ng lungsod na ito noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni P/Lt. Col. Criselda de Guzman, hepe ng pulisya rito, ang biktima na si Erwin San Pedro, 32-anyos, may-asawa at kolektor ng Brotherhood Micro Finance.

Sa ulat, alas-9 ng umaga, kakaarangkada pa lang ng motorsiklo ng biktima at papasok sa trabaho nang pagbabarilin ng isa sa mga suspek. Bumaba umano ang gunman na angkas sa itim na motorsiklo saka pinagbabaril ang biktima saka nagsitakas patungo sa kanlurang direksyon sa bayan ng San Isidro.

Pinag-aaralan pa ng pulisya ang nakalap na CCTV footage na posibleng makatulong para matukoy ang mga salarin. 

RIDING IN TANDEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with