Tatlong kawani tinamaan ng COVID-19, Kapitolyo ng Nueva Viscaya, kinandado
Raymond Catindig (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,Cagayan, Philippines  — Isinailalim sa lockdown ang Kapitolyo ng Nueva Viscaya sa Bayombong matapos magpositibo sa COVID-19 ang tatlong kawani ng Provincial General Services Office kahapon.

Ayon kay Governor Carlos Padilla ang pag-lockdown sa gusali at bisinidad ng pamahalaang panlalawigan ay nagsimula ngayong araw hanggang Oktubre 30 upang bigyang daan ang disinfection at contact tracing.

Nabatid na sumailalim din sa self quarantine ang Gobernador at iba pang opisyal ng Kapitolyo matapos makasalamuha ang mga nagpositibong kawani sa Procurement and Inventory Section; Office of the Bids and Awards Committee at ang Administrative, Records and Archival Division na malimit pinupuntahan ng mga may transaksiyong publiko.

Ayon kay Padilla,hindi muna oobligahing pumasok sa trabaho ang mga kawani sa Kapitolyo habang umiiral ang lockdown maliban lamang sa mga nakatalaga sa hospital, health office, mga tanggapan ng emergency at rescue response, provincial jail at mga security personnel.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with