300 residente inilikas sa Isabela dahil kay ‘Pepito’
Raymond Catindig (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Umabot sa 300 katao ang isinailalim pre-emptive evacuation ng awtoridad sa peligrosong bahagi ng coastal area ng Isabela noong kasagsagan ng pag-ulan dulot ng bagyong Pepito noong Martes.

Ayon sa Isabela Disaster Risk Reduction Manage­ment Office, 76 na pamilya sa Maconacon at 15 pamilya sa Dinapigue na pawang katabi ng lalawigan ng Aurora kung saan nag-landfall ang bagyo ang inilikas sa mga evacuation centers.

Nabatid na 11 na overflow bridges ang lumubog sa buong lalawigan sanhi ng pagtaas ng ilog.

Sa Cagayan, 86 na bahay ang lumubog sa 1.2 metrong taas ng baha na rumagasa sa Barangay Gagabutan sa bayan ng Rizal subalit hindi naman nagdeklara sa evacuation sa lugar ayon sa Provincial government. 

RIZAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with