10 guro sa Antipolo tinamaan ng COVID-19
Ayon sa Antipolo City Public Information Office, lumabas na ang mga swab samples ng 10 sa 1,120 na guro na isinailalim sa RT-PCR test ay nagtataglay ng coronavirus kamakalawa.
STAR/Walter Bollozos, file
10 guro sa Antipolo tinamaan ng COVID-19
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas matapos mag-umpisa ang online classes, 10 guro na sa lungsod sa Antipolo ang iniulat na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Antipolo City Public Information Office, lumabas na ang mga swab samples ng 10 sa 1,120 na guro na isinailalim sa RT-PCR test ay nagtataglay ng coronavirus kamakalawa.

Ang nasabing mga guro ay mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Antipolo City na nasa mandatory isolation na at naisagawa na rin ang contact tracing sa kanilang mga nakasalamuha.

Bukod sa 10 guro, mayroon pang 21 katao ang nadagdag sa bagong kaso ng COVID-19 sa Antipolo City kung kaya umabot na sa 2,886 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod. Nasa kabuuang 2,689 naman ang gumaling sa nasabing sakit at 81 ang nasawi.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with