9 bayan, 2 lungsod sa Bulacan binaha

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Siyam na ba­yan at dalawang lungsod dito sa lalawigan ang binaha dahil sa dalawang araw na walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan dala ng habagat.

Ang mga binahang lugar ay sa mga bayan ng Balagtas, Bocaue, Sta. Maria, Calumpit, Hagonoy, Paombong, Guiguinto, Bulacan, at Marilao, habang lumubog din sa tubig-baha ang ilang barangay sa lungsod ng Meycauayan at Malolos.

Abot hanggang bewang ang bahang idinulot ng habagat sa mga nasabing bayan.

Ayon kay Liz Mungcal, hepe ng Bulacan PDRRMO, ang nasabing pagbaha ay dulot ng walang tigil na buhos ng ulan na dala ng habagat at sinabayan pa ng high tide.

Samantala, sinabi ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) sa Bulacan na nasa 182.08 ang kasalukuyang level ng tubig sa Angat Dam na malayo pa sa spilling level nito na 210.

Linggo ng umaga ng Oktubre 11, nang buksan naman ng Bustom dam ang dalawang flood gate nito habang isang flood gate rin ang binuksan ng Ipo dam kahapon ng umaga.

Show comments