^
Mister iniwan ni misis naburyong: Ina, utol tinaga
Isinugod ang mag-inang Dina at Jay-ar Farinas sa Faustino Dy Sr Memorial Hospital kung saan sila inoobserbahan sa mga natamong mga taga ng itak matapos manlaban at makatakbo palayo.
STAR/ File

Mister iniwan ni misis naburyong: Ina, utol tinaga

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - October 11, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Pinangangambahang tuluyan nang tinakasan sa katinuan ang isang mister na iniwan ng misis matapos niyang pagtatagain ang natutulog na ina at kapatid sa kanilang kubo sa Brgy. Cabisera 2, Ilagan City, Isabela kamakalawa.

Isinugod ang mag-inang Dina at Jay-ar Farinas sa Faustino Dy Sr Memorial Hospital kung saan sila inoobserbahan sa mga natamong mga taga ng itak matapos manlaban at makatakbo palayo.

Ayon kay Lt. Col. Virgilio Con Abillera, hepe ng Ilagan City Police Station,  nadakip naman sa isang follow-up operation ng kanyang mga tauhan ang suspek na si Manuel Farinas, 45-anyos.

Sa pagsisiyasat, simula nang abandonahin ng misis, hindi na umano makatulog at animo’y may bumubulong na diyablo sa suspek para isagawa ang karumal-dumal na krimen.

MEMORIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with