4 todas, 116 arestado sa drug operation
Sa ulat mula kay Police B/Gen Michael John Dubria, Regional Director Police Regional Office-12 ang nasabing law enforcement operation ay nakapagkumpiska ng aabot sa P283,888.52 na halaga ng ipinagbabawal na droga mula sa 38 sachets ng shabu habang nasa P24,000 naman na halaga ng Marijuana ang nasabat.
Michael Varcas
4 todas, 116 arestado sa drug operation
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 9, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO , Philippines — Apat katao ang naiulat na nasawi habang 116 naman ang naaresto sa isang araw na Simultaneous Law Enforcement Operation sa iba’t ibang mga lugar sa Region 12, iniulat kahapon.

Sa ulat mula kay Police B/Gen Michael John Dubria, Regional Director Police Regional Office-12 ang nasabing law enforcement operation ay nakapagkumpiska ng aabot sa P283,888.52 na halaga ng ipinagbabawal na droga mula sa 38 sachets ng shabu habang nasa P24,000 naman na halaga ng Marijuana ang nasabat.

Bukod sa nabanggit ay nasamsam din ng mga otoridad ang ilang mga baril at mga eksplosibo.

Ang apat na mga suspek na nasawi at sinasabing nanlaban ay mga pinaniniwalaang High Value Individuals batay sa Inter-Agency Drug Information Data base.

Nakakumpiska ang mga otoridad ng 28 na iba’t ibang klase ng baril, 409 na mga bala, 12 mga pampasabog at P6,096 na halaga ng pera mula sa pasugalan.

MICHAEL JOHN DUBRIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with