Lola nalitson, mister grabe sa sunog
Kinilala ang naswi na si Emma Cubillan, 69, habang patuloy na inoobserbahan sa ospital ang asawa niyang si An­gelito, kapwa residente ng RR Landon sa Brgy. San Antonio.
STAR/ File
Lola nalitson, mister grabe sa sunog
(Pilipino Star Ngayon) - October 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang lola habang kritikal ang kanyang mister matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa San Antonio, Cebu City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang naswi na si Emma Cubillan, 69, habang patuloy na inoobserbahan sa ospital ang asawa niyang si An­gelito, kapwa residente ng RR Landon sa Brgy. San Antonio.

Sa ulat ng Cebu City Fire Department, alas-11:00 ng gabi nang magsimula ang apoy sa bahay ng isang Grace Go sa nasabing lugar at umakyat sa ikalawang alarma ang sunog.

Naabutan na lamang si Emma sa ikalawang palapag ng kanilang bahay na sunog na ang katawan. Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog na ikinatupok ng higit sa P10.1 milyon na ari-arian.

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with