SK kagawad na ‘Most Wanted’ timbog

CAVITE, Philippines — Nadakma ng Cavite Police ang isang SK councilor at nasa Top 6 most wanted person ng Calabarzon at sinasabing miyembro ng “Pangandag Drug Group” sa isinagawang drug operation ng pulisya sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City kamakalawa.

Kinilala ni Police Col. Marlon Santos, ng Cavite Provincial Office Director ang suspek na si Alimar Sultan Bayamba, 20-anyos, incumbent SK kagawad ng Barangay Datu Esmael, Dasmariñas City.

Matapos ang ilang araw na surveillance laban sa suspek, isinagawa ang buy-bust operation.

Nang magkaabutan ng illegal na droga at marked money ay agad na dinakma ang naturang SK official sa kanyang teritoryo.

Nasamsam sa suspek ang limang malalaking plastic sachet ng shabu na naglalaman ng 53 na nagkakahalaga ng P360,000, weighing scale, buy-bust money at  mga drug paraphernalia.

Ang Pangandag Drug Group na nag-o-operate sa Cavite, Laguna at iba pang karatig probinsiya ay pinamumunuan ni Dirimpasan Pangandag Unte, na incumbent chairman ng Brgy. Datu Esmael at nasa Top 1 most wanted ng Calabarzon Regional Drug List na napatay nito lamang Pebrero sa Naga City ng mga operatiba ng Dasmariñas Police, Cavite PPO at PDEA Camarines Sur.

Show comments