Military jeep hulog sa bangin: 2 dedo, 4 nasaktan
Dead-on-arrival sa ospital ang mga biktimang sina Aiza Mag­huyop, 22, at Rodel Omania 25, habang patuloy na ginagamot ang apat na iba kabilang ang driver ng jeep.
Miguel De Guzman, file
Military jeep hulog sa bangin: 2 dedo, 4 nasaktan
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Dalawa katao ang patay habang apat ang sugatan nang mahulog sa bangin ang military jeep na sinalpok ng kasalubong na Ford Ranger sa Brgy. Camanga, Dumalinao, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa ospital ang mga biktimang sina Aiza Mag­huyop, 22, at Rodel Omania 25, habang patuloy na ginagamot ang apat na iba kabilang ang driver ng jeep.

Nadakip naman ang driver ng Ford Ranger na si Alfredo Tagala Jr. 26, taga-Buug ng natu-rang probinsya.

Sa ulat ng Dumalinao Police, sakay ang mga biktima ng military jeep patungo sa bayan ng Margosatubig para maghatid ng pasyente pero sakto nilang nakasalubong ang Ford Ranger na minamaneho ni Tagala at nabangga ang mga biktima.

Sa lakas ng pagkakasalpok, nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber ng military vehicle at tuluy-tuloy na nahulog sa bangin.

MILITAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with