Barangay chairman na HVT timbog sa raid
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  — Kalaboso ang isang incumbent barangay chairman na nasa drug resumption watchlist matapos na makuhanan ng maraming bilang ng sachet ng shabu sa ginawang pagsalakay ng mga pulis sa kanyang bahay sa Brgy. Sioron, Gigmoto, Catanduanes kamakalawa ng umaga.

Hindi na nakapalag pa at kusa nang sumama sa mga pulis ang suspek na si Brgy. Chairman Celso Roranes Tolledo, 58-anyos, may asawa at itinuturing na high value target.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga, bitbit ang search warrant na inilabas ni Judge Genie Gapas-Agbade, ng Virac Regional Trial Court, Branch 42 ay agad sinalakay ng Regional Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, Police Provincial Mobile Force Company ay sinalakay ng Gigmoto Police sa pangunguna ni Lt. Arnel Julius Dedase ang bahay ng tserman.

Nasamsam sa bahay ng punong barangay ang 18 plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

CHAIRMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with