62-anyos sinuwag ng kalabaw, tepok
Nakahandusay at may sugat sa katawan nang nakita sa madilim at madamong lugar ang biktima na kinilalang si Armando Morante Jancorda, may-asawa at residente ng nasabing barangay.
STAR/ File
62-anyos sinuwag ng kalabaw, tepok
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Patay na nang matagpuan ng kanyang mga kaanak ang isang 62-anyos na magsasaka matapos na suwagin ng kanyang kalabaw habang nag-aararo sa palayan sa Sitio Kurucawayan, Brgy. Nailaban sa Mandaon, Masbate kamakalawa ng gabi.

Nakahandusay at may sugat sa katawan nang nakita sa madilim at madamong lugar ang biktima na kinilalang si Armando Morante Jancorda, may-asawa at residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, umaga pa lang ay nakitang sakay ng kanyang kalabaw ang biktima patungo sa kanilang palayan para mag-araro.

Gayunman, maghapon ay hindi na nakauwi ang biktima kaya dakong alas-7 ng gabi ay pinuntahan na siya ng kanyang mga kaanak. Nagulantang sila nang makitang patay na ang lolo at nakahandusay sa madamong bahagi ng lugar at may sugat sa katawan sanhi ng pagkakasuwag ng sungay ng kanyang kalabaw.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with