Buntis, 4 pang kapitbahay nahawa sa COVID-19 sa tomaan
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan - Lima pang katao kabilang ang isang tatlong buwang buntis sa lungsod na ito ang pinakahuling nagpositibo kahapon sa COVID-19 na nag-ugat sa laklakan na umano’y isang opisyal ng barangay ang nagpasimuno.

Ayon sa City Health Office, ang 27-anyos na buntis ay nakaranas ng pag-ubo at kasamang nakatira sa iisang bahay ng dalawa pang nagpositibo sa virus. Isa ring trese anyos na dalagita ang nahawa sa kanyang ka-edad na kasama sa kuwarto. Ang dalawa ay kapitbahay ng nasabing buntis.

Isang binatilyo at dalawa pang binata na umano’y nakipag-inuman sa lugar ang nagpositibo at mga pawang isinailalim sa home quarantine.

Naunang nagposi­tibo sa COVID-19 ang walong katao sa iisang barangay na kung saan sinasabing nagpa­inom ang isang opisyal noong nakaraang linggo kahit na katatapos lamang nitong sumailalim sa swab test.

Ang nasabing opisyal ay kasama ng tatlo pang kaanak na nagpositibo matapos magkaroon ng exposure sa kanyang bayaw na namatay dulot ng kumplikasyon sa COVID-19 sa Cagayan Valley Medical Center noong nakaraang Linggo.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with