Kalansay ng 2 NPA nahukay
Doris Franche, Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2020 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Dalawang kalansay ng tao na pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nahukay ng mga awtoridad sa bahagi ng Brgy. Sta. Margarita, Baggao, Cagayan, ayon sa pulisya kahapon.

Sa ulat, habang nagpapatrolya ang pinagsanib na puwersa ng 17th Infantry Battalion ng Philippine Army, Police Regional Mobile Force Company at Baggao Police nang ituro sa kanila ng isang residente ang isang hukay kung saan ibinaon ng mga armadong grupo ang dalawang bangkay na nakita noong 2016 sa bahagi ng KM 16 sa nasabing lugar.

Agad hinukay noong Lunes ang itinurong lugar at nakita ang mga kalansay ng dalawang katao.

Ayon kay Army Col. Angelo Saguiguit, bat­talion commander ng 17IB, ang nasabing mga kalansay ng tao ay pinaniniwalaang ibinaon matapos ang sagupaan sa pagitan ng mga rebeldeng NPA mula sa pangkat ng Danilo Ben Command at mga operatiba ng pulisya noong 2016 sa nasabing lugar.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with