Online news anchor todas sa ambush!
biktiAng nakabulagtang online TV news anchor na si Jobert ‘Polpog” Bercasio matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa may Seabreeze Homes, Brgy. Cabid-an, Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa.
STAR/ File
Online news anchor todas sa ambush!
Doris Franche, Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Duguang bumulagta sa kalsada ang da­ting radio broadcaster na ngayo’y isang online TV news anchor  matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Seabreeze Homes, Brgy. Cabi­d-an, Sorsogon City, Sorsogon noong Lunes ng gabi.

Napuruhan ng ­punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan sanhi ng kanyang agarang kamatayan ang biktimang si Jobert “Polpog” Bercasio, nasa hustong gulang, tubong Rapu-Rapu, Albay, anchor ng Balangibog internet TV at kasalukuyang naninirahan sa Sorsogon City.

Sa ulat, alas-7:55 ng gabi habang lulan ng kanyang Venus scooter ang biktima at binabag­tas ang kahabaan ng kalsada mula sa city proper nang harangin ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo at nakasuot ng helmet at itim na jacket saka pinagbabaril ang una na agarang nasawi sa lugar.

Sa pahayag ng ilang saksi, nakarinig sila ng magkakasunod na pu­tok ng baril at nakita nila ang dalawang suspek na lulan ng motorsiklo na tumakas patungo sa madilim na bahagi at dumaan ng city hall hanggang sa lumusot ng diversion road.

Ayon kay Col. Roque Bausa, provincial director ng Sorsogon Provincial Office, patuloy ang ginagawang im­bestigasyon sa iinsidente at isa sa tinututukang anggulo ay ang pagiging hard hitting commentator ng biktima base na rin sa mga posts nito sa kanyang Facebook account.

Iniutos na ni Police Regional Office 5 director Brig. Gen. Bartolome Bustamante na bumuo ng “Task Force Bercasio” sa tulong ng PNP-CIDG upang tumutok sa pamamaslang sa online TV anchor.

NEWS ANCHOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with