Salpukan ng motorsiklo: Rider dedo
Kinilala ang nasawi na si Vincent Peter Pascual, residente ng Brgy. San Pablo habang su­gatan ang kabanggaang si Bobby Riquios, 52-an­yos, residente ng Brgy. Binanuahan Grande ng nasabing bayan.
PSN/File
Salpukan ng motorsiklo: Rider dedo
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 40-anyos na rider matapos na makabanggaan ng kanyang minamanehong motorsiklo ang kasalubong na isa pang motorsiklo sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Sta. Cruz Poblacion, Calabanga, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Vincent Peter Pascual, residente ng Brgy. San Pablo habang su­gatan ang kabanggaang si Bobby Riquios, 52-an­yos, residente ng Brgy. Binanuahan Grande ng nasabing bayan.

Sa ulat, dakong alas-11:45 ng gabi mabilis at magkasalubong na binabagtas ng dalawang motorsiklo ang kahabaan ng highway nang magbanggaan sa gitna ng kalsada.

Sa lakas ng banggaan, kapwa tumilapon sa kalsada sina Pascual at Riquios. Kapwa silang isinugod ng mga rumespondeng residente at pulis sa Bicol Medical Center sa Naga City pero hindi na ­umabot nang buhay ang una.

MOTORSIKLO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with