Mister binoga ng pinsan sa laklakan
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Isang bala sa dibdib ang tumapos sa buhay ng isang 34-anyos na magsasaka matapos na barilin ng kanyang katomaang pinsan makaraang magtalo habang nag-iinuman sa Brgy. Malobago, Cataingan, Masbate kamakalawa ng gabi.

Sinubukan pang isugod sa Cataingan District Hospital pero hindi na umabot nang buhay ang biktimang si Ryan Apa­rente Legazpino, residente ng Brgy. San Isidro, Cataingan

Tinutugis naman ang suspek na si Mark Joseph Aparente Lobetana, 32, karpintero ng Brgy. Banco, Palanas, Cataingan.

Sa ulat, dakong alas-8:45 ng gabi ay nakita pang masayang nag-iinuman ang magpinsan pero nang kapwa malasing ay biglang nagtalo ang dalawa. Biglang bumunot ng baril ang suspek at malapitang pinaputukan sa kaliwang bahagi ng dibdib ang pinsan na agarang nasawi.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang ginawang krimen patungo sa direksyon ng Brgy. Sta Teresita.

LAKLAKAN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with