6 bahay nilamon ng apoy
Ang apoy ay nagsimula sa isang ta­hanan sa Purok Katarungan, 5th Road, Gen. Luna Street, Barangay RH5, Cotabato City na mabilis na kumalat sa ibang kabahayan na gawa sa mahinang klase ng mga mater­yales.
Philstar.com/File
6 bahay nilamon ng apoy
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2020 - 12:00am

COTABATO CITY , Philippines —  Anim na bahay ang natupok matapos sumiklab ang mala­king sunog sa Barangay Rosary Heights 5, dito nitong Biyernes ng umaga.

Ang apoy ay nagsimula sa isang ta­hanan sa Purok Katarungan, 5th Road, Gen. Luna Street, Barangay RH5, Cotabato City na mabilis na kumalat sa ibang kabahayan na gawa sa mahinang klase ng mga mater­yales.

Sinabi ni Police Station 2 commander Capt. Rustom Pastolero ang mga bahay na nasunog ay pag-aari ng mga pamilyang Ma­ladia, Diegos, Buisan, Usman, Panoy at Ibrahim.

Tinatayang abot sa P5-milyong ha­laga ang naabo sa sunog na iniimbestigahan pa ng Bureau of Investigation ang naging sanhi nito.

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with