Transport leader, Bayan chair inaresto sa pagpatay
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - September 9, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines —  Magkasunod na inaresto ng pulisya ang isang mataas na opis­yal ng transport group na Piston sa Bicol Region at chairperson ng Bagong Alyansang Ma­kabayan (Bayan)-Camarines Sur dahil sa mga kasong pagpatay, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang isang suspek na si Ramon Ab­rique Rescovilla, 53-an­yos, secretary general ng Concerned Drivers Operators o Condor-Piston sa Bicol. Siya ay nahuli sa kanyang bahay sa Purok-1, Brgy. Kilicao, Daraga, Albay kamakalawa ng hapon.

Sa ulat, dakong alas-3:20 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong murder na inilabas ni Judge Ariel Dating ng Regional Trial Court Branch 64 sa Labo, Camarines Norte, sina­lakay ng mga kasapi ng 96th Military Intelligence Company, 9th Military Intelligence Ba­tallion, 903rd Infantry Brigade ng Philippine Army, Regional Police Mobile Force Batallion, Provincial Intelligence Unit, Police Regional Office 5-Regional Intelligence Unit at Albay Police sa kanyang bahay si Rescovilla.

Nakuha sa suspek ang isang pink sling bag na may lamang kalibre 45 baril, mga bala at isang granada.

Nauna rito, bumagsak din sa kamay ng mga awtoridad sa ka­nilang opisina sa Naga City noong Linggo ng alas-9:30 ng gabi si Nelsy Rodriguez, chairperson ng Bayan sa Camarines Sur dahil sa kaso umano ng pag­patay.

Binatikos naman­ ni Dan Balucio, secretary general ng Bayan sa re­hiyon ang magkasu­nod na pag-aresto kina Rod­riguez at Res­covilla dahil sa kawalan umano ng due process. Hindi man lang umano nakatanggap ng subpoena mula sa provincial pro­secutor’s office ang da­lawang opisyal, walang preliminary investigation at ni hindi nakapagsumite ng counter affidavit ang dalawa.

Ayon kay Balucio­, bahagi umano ito ng pag-atake sa mga mass leaders sa bansa sa ilalim ng Anti-Terorrism Act of 2020 at sa Exe­cutive Order (EO) 70 ng administrasyong Du­terte.

BAYAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with