Total lockdown ipatutupad sa munisipyo ng Kawit

Simula Setyembre 1 hanggang Setyembre 7 ang ipapatupad ang total lockdown sa Kawit municipal hall sa ilalim ng Executive Order No. 031-2020, series of 2020.
interaksyon/en.wikipedia.org

CAVITE, Philippines — Nakatakdang isailalim sa isang linggong total lockdown ang munisipyo ng Kawit matapos na makitaan ng sintomas ng COVID-19 ang nakarara­ming empleyado dito.

Simula Setyembre 1 hanggang Setyembre 7 ang ipapatupad ang total lockdown sa Kawit municipal hall sa ilalim ng Executive Order No. 031-2020, series of 2020.

Ayon kay Kawit Mayor Angelo Aguinaldo, habang hinihintay ang resulta ng mga swab testing sa mga kawani ay pansamantala silang isinailalim sa home quarantine. Ito aniya ang makabubuti para sa lahat alinsunod sa magkasanib na desisyon ng pamahalaang bayan at Municipal Health Office.

Ipatutupad ang work-from-home set-up sa ilang kagawaran ng munisipalidad at tuluy-tuloy ang serbisyo ng mga frontliners ng Kawit.

Show comments