Chinese trader sinunog sa SUV, 2 suspek timbog!
Sinisiyasat ng mga awtoridad ang ginawang pagsunog sa isang negosyanteng Chinese sa loob ng isang SUV sa Brgy. Sapangbato, Angeles City, Pampanga at naaresto sa follow-up operations ang dalawang suspek sa krimen kamakalawa ng gabi.
Gary Bernardo
Chinese trader sinunog sa SUV, 2 suspek timbog!
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - August 15, 2020 - 12:00am

ANGELES CITY, Philippines — Karumal-dumal ang pagkasawi ng isang negos­yanteng Chinese matapos silaban ng buhay sa loob ng isang SUV habang nadakip ng Angeles City Police ang dalawang umano’y responsable sa krimen kamakalawa ng gabi malapit sa Puning Hot Spring, Omil, Brgy. Sapang Bato ng nasabing lungsod.

Sa ulat sa tanggapan ni Police Station 5 commander P/Major Philip John Pineda, kinilala ang nasawing biktima na si Feng Lifu, 30-anyos ng Villa No. 3136 Fontana Resort Clark, Angeles City, Pampanga.

Nasa kustodya na ng pulisya sina Huang Zhijie, 23, binata, businessman at naninirahan sa Red Wood Subd., Clark Field, Pampanga na unang naaresto sa Score Bird Hotel, Brgy. Balibago at ang pangunahing suspek na si Yang Lulin na nadakip sa Alabang noong Huwebes ng gabi. Sila ay nahaharap sa mga kasong robbery with homicide at arson.

Sa report, nadiskubre nitong Agosto 11, 2020, natagpuan ang tupok na tupok na sasakyan lulan sa likuran nito ang bangkay ng isang lalaki na halos hindi na makilala dahil sa tindi ng pagkasunog.

Sa imbestigasyon, natunton ang may-ari ng sasakyan at ayon sa kanya, Disyembre 2019 ay nasa pangangalaga na ng kanyang hipag ang SUV sa Brgy. Pandacaqui, bayan ng Mexico na agad namang nakausap ng pulisya at sinabing nirentahan ito sa kanya ni Feng Lifu at huli silang nagkita noong Agosto 04, 2020 sa Sun Valley, The Heights, Clark, Pampanga upang kunin ang bayad sa renta ng sasakyan.

Sa pag-review sa CCTV sa gate ng Brgy. Sapang Bato, dakong alas-2:45 ng madaling araw nitong Agosto 13, namataan ang dalawang suspek na naglalakad malapit sa pinangyarihan ng krimen at ilang minuto ay may dumating na isang Toyota Innova na kulay gray (CAT-3339) at isinakay ang dalawa.

Dahil dito, nagsagawa ng backtracked sa mga ruta hanggang sa natunton ang nasabing sasakyan at inimbitahan sa presinto ang driver nito na si Johny Cas Sanchez at sinabing hinatid niya ang dalawang sakay sa Caviuna St, Rosewood Subdivision, Fil-Am Friendship Highway, Brgy. Cutcut, Angeles City. Agad na tinungo ng mga pulis ang lugar at naabutang patakas na ang sinasabing girlfriend ni Huang na si Dexieann Gueco at agad siyang napigilan. Nang ipakita ang kuha ng CCTV, siya na mismo ang kumilala sa kanyang boyfriend na si Huang.

Iniimbestigahan pa ang motibo sa pagpatay sa biktima pero sinasabing posibleng may kinalaman ito sa negosyo.

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with