Mag-asawa nilikida sa karinderya

Kinilala ni P/Captain Brent Salazar, hepe ng GenSan Police Station 4 ang mga biktima na sina Jose Caban Becerra at misis na si Erlyn, negosyante at kapwa residente ng Ma. Theresa, Brgy. San Isidro, nasabing lungsod.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang mag-asawa matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek habang kumakain sa isang karinderya sa Purok Habitat Phase A, Barangay Mabuhay, General Santos City kamakalawa.

Kinilala ni P/Captain Brent Salazar, hepe ng GenSan Police Station 4 ang mga biktima na sina Jose Caban Becerra at misis na si Erlyn, negosyante at kapwa residente ng Ma. Theresa, Brgy. San Isidro, nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, pasado alas-2 ng hapon habang masayang kumakain sa LJ Eatery ang mag-asawa nang bigla na lang pumasok ang dalawang armadong suspek at agad silang pinagbabaril.

Ayon sa isang testigo, isang kulay itim na pick-up truck ang huminto sa tapat ng karinderya at bumaba ang dalawang suspek na may dalang matataas na kalibre ng baril saka lumapit sa karinderya at pinagbabaril ang mag-asawa.

Show comments