^

Probinsiya

Drug suspek, dedo sa drug ops

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Drug suspek, dedo sa drug ops
Ayon sa ulat ng PNP, pasado alas-11:00 ng umaga habang isinasagawa ang bentahan ng droga ay natunugan umano ni Badsigan na pulis ang kanyang katransakyon kaya bumunot ito ng baril na pero naunahan ang suspek.
AFP/Noel Celis

MATALAM, Cotabato, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang drug suspek matapos manlaban sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga pulis sa Sitio Condring, Brgy. Marbel, Matalam, North Cotabato, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Matalam PNP Chief Police Captain Junrel Amotan ang napatay na suspek na si Nasser Alilaya Badsigan, alias Kadturan Badsigan”, 45, ng Sitio Kisupit, Brgy. Marbel ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat ng PNP, pasado alas-11:00 ng umaga habang isinasagawa ang bentahan ng droga ay natunugan umano ni Badsigan na pulis ang kanyang katransakyon kaya bumunot ito ng baril na pero naunahan ang suspek.

Naisugod pa sa pa­gamutan si Badsigan, pero ideneklara itong patay ng mga doktor matapos matamo ang multiple gunshot wound sa dibdib at ulo.

Narekober sa crime scene ang isang Uzi Pistol na may magazine at isang live ammunition ng 9mm, dalawang fired cartridge case ng 9mm, apat na mga fired cartridge case ng 5.56mm at ang ginamit nitong motorsiklo.

vuukle comment

DRUG OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with