^

Probinsiya

Pari nagbasbas ng patay, nahawa ng virus

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Matapos ang dalawang linggo, nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang pari na bumasbas ng isang patay bago ilibing ng pamilyang tinamaan ng COVID-19 sa Isabela kahapon.

Sa report ng Department of Health, ang 56-anyos na alagad ng simbahan ay nagkaroon ng sintomas ng trangkaso kaya agad kinunan ng swab sample at lumabas ang resulta na positibo sa virus. 

Tinutunton pa ng awtoridad ang sampu pang kabaro ng pari na umano’y dumalo sa naturang libing noong Hulyo 24 sa Brgy. Magsaysay, Naguilian kung saan limang miyembro ng pamilya ng namatayan ang nahawa sa kaanak nilang umuwi mula Quezon City.

Ang kaanak na pinanggalingan ng virus ay naka confine ngayon sa Southern Isabela Medical Center sa Santiago City. 

Samantala, pinapayuhan ang mga lokal na pamahalaan ng karatig bayan ng Luna, Tumauini, Delfin Albano, San Manuel at Cabagan ang kanilang mamamayan na iwasan munang magpunta sa bayan ng Naguilian at katabi nitong Gamu at Ilagan City dahil sa matinding community transmission o hawaan na nangyayari doon upang masawata ang pagkalat ng virus.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with