2 most wanted na may patong sa ulo, nalambat
MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng batas ang dalawang most wanted person na may patong sa ulo sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa llocos Norte at Davao del Norte.
Inianunsyo nitong Biyernes ni PNP chief Gen. Archie Gamboa ang pagkakasakote sa mga wanted na sina Willer Advincula at Zaldy Pineda Zabala, kapwa nakatala sa DILG bilang national most wanted persons.
Base sa report ni PNP-Intelligence Group (PNP-IG) director Brig. Gen. Joseph Ulysses Gohel, sinabi ni Gamboa na ang dalawang most wanted ay may 15 taong nagtago sa batas at nasakote sa intelligence packets ng Regional Intelligence Units (RIU).
Si Advincula na may kasong murder noong 2005 at may P90,000 reward ay nasakote ng Regional Intelligence Unit (RIU)-11 at ng lokal na pulisya sa Purok 2, Brgy. Kanaan, Kaputian District 3, Island Garden City of Samal, Davao del Norte, may 2-araw na ang nakalilipas.
Nasakote naman si Zabala sa Brgy. 12 Namuroc, Vintar, Ilocos Norte na may kaso ring murder at may reward na P140,000.
- Latest