Killer ng lover, timbog matapos ang 10 taon na pagtatago
Kinilala ni Cavite Provincial Director Police Col Marlon Santos ang suspek na si Reagan Isagani Santos, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Aplaya Munti, Cavite City at nasa top 2 most wan­ted person sa lala­wigan.
STAR/File
Killer ng lover, timbog matapos ang 10 taon na pagtatago
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2020 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Matapos­ ang may 10 taong pag­tatago sa batas ay na­dakma nang pinagsa­nib na puwersa ng pulisya ang top 2 most wanted sa lalawigan na nakapatay sa kanyang kinakasama, kamakalawa.

Kinilala ni Cavite Provincial Director Police Col Marlon Santos ang suspek na si Reagan Isagani Santos, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Aplaya Munti, Cavite City at nasa top 2 most wan­ted person sa lala­wigan.

Nabatid na nagsa­gawa ng ilang araw na surveilance operation ang mga pulis matapos mamataan ang sus­pek­ sa isang lugar sa Hagonoy, Bulacan kung saan ito nagtago kaya’t ikinasa ang pagdakip dito.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, buwan ng Abril 2010 nang pagbaba­rilin ng suspek ang isa nitong kapitbahay na kung saan ay napatay ang tiyuhing si Adolfo Santos at ang live-in partner na si Alona Bau­tista sa Cavite City at pagkatapos ay tuma­kas at nagtago na uma­bot sa 10 taon hanggang sa ito ay masukol sa Bulacan.

MOST WANTED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with