^

Probinsiya

Binata nanghuli ng isda sa quarry, patay

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Isang 20-anyos na binata ang nasawi matapos na malunod nang manghuli ng isda kasama ang kanyang mga barkada sa isang ilog na ginawang quarry site sa Purok 3, Barangay Belumin, Lambayong Sultan Kudarat kamakalawa.

Isinugod pa sa pagamutan ngunit idineklarang patay ng sumuring doctor ang biktima na kinilalang si Arnel Veloso Fortona, residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa tiyahin, nagkayayaan umano ang biktima at mga barkada na manghuli ng isda gamit ang net sa quarry na malapit din sa kanilang bahay dakong alas-11:00 ng umaga. Pero habang nagkakasiyahan, dito na napansin na hindi na muling umahon si Fortona kaya’t agad nilang hinanap.

Nang makita nila ay agad iniahon mula sa may 4 na talampakang lalim ng quarry at agad na

Napag-alaman na ito na rin ang ikatatlong beses na may namatay sa nasabing quarry na umano’y pinaniniwalaang may na­ngunguhang “engkanto”.

vuukle comment

LUNOD

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with