Mister pinasok, niratrat sa harap ni misis
Napuruhan sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad nasawi ang biktimang si Juvil Pogoy Apalit habang hindi sinaktan ang kanyang misis na si Jo­celyn.
STAR/ File
Mister pinasok, niratrat sa harap ni misis
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

Legazpi City, Albay, Philippines   Bulagta sa harap mismo ng kanyang asawa ang isang 53-anyos na magsasaka matapos na pasukin at pagbabarilin ng tatlong gunmen habang kumakain sa loob ng kanilang bahay sa Purok Nipa, Brgy. Malinta, Masbate City, Masbate kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad nasawi ang biktimang si Juvil Pogoy Apalit habang hindi sinaktan ang kanyang misis na si Jo­celyn.

Sa ulat, dakong alas-7 ng gabi, sabay na naghahapunan sa loob ng kanilang bahay ang mag-asawa nang biglang pumasok ang tatlong armado at mula sa likod ay pinagbabaril ang biktima.

Nang masigurong patay na ang biktima, tumakas ang mga suspek patungo sa bulubunduking lugar ng barangay.

Nakuha ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen ang 11-basyo ng bala ng kalibre 45 baril.

BARIL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with