Pangangapit-barangay ipinagbawal sa Pampanga
Ibig sabihin, bawal munang pumasok sa isang barangay ang hindi naman residente lalo na kung ang pakay ay para lang mamasyal o maki­pag-tsismisan at maki­pagkwentuhan lamang.
The STAR/Boy Santos
Pangangapit-barangay ipinagbawal sa Pampanga
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

Para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19

PAMPANGA, Philippines  – Para makontrol ang pagdami ng mga nahahawaan ng COVID-19, iniutos ni Pampanga Governor Dennis Pineda na ipinagbabawal muna ang pangangapit-barangay ng mga residente sa buong lalawigan.

Ibig sabihin, bawal munang pumasok sa isang barangay ang hindi naman residente lalo na kung ang pakay ay para lang mamasyal o maki­pag-tsismisan at maki­pagkwentuhan lamang.

Iginiit ni Pineda na mahirap na ulit magpa­sara ng mga business establishment kung babalik sa pinakamahigpit na lockdown o ECQ dahil kailangan ng negosyo para makabawi ang ekonomiya ng lalawigan.

Dagdag ng gobernador, kapag hindi naging epektibo ang pagbabawal sa pangangapit-barangay, itataas ito sa municipal level na ang ibig sabihin ay pagbabawalan na ring pumasok sa isang munisipyo o siyudad ang mga hindi residente lalo na kung hindi “essential travel”.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with