Australian, 2 pa tiklo sa buy-bust
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2020 - 12:00am

ANGELES CITY, Philippines — Kalaboso ang isang Australian national, live-in partner nito at kanilang kasabwat sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Balibago noong Biyernes ng madaling araw.

Sa ulat buhat sa tanggapan ni Police Station 1 Commander P/Maj. Dickson Tolentino, kinilala ang mga suspek na sina Anthony Philip Stein alias “Tony”, 57-anyos, Rizelda Benitez Belleza, 37; kapwa ng A. Santos St., Brgy Balibago; at Saint Maniago Kwong, 35, ng Brgy, Malabanias; pawang sa Angeles City.

Nasamsam sa mga suspek ang humigit kumulang sa 10 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P68,000.00 at marked money na ginamit sa operasyon.

Si Stein ay kabilang sa limang nahuli ng mga tauhan ni dating Police Station 4 Commander P/Maj. Rolando Doroja matapos isumbong ng isang concerned citizen noong Marso 2019 na sinasabing naaktuhang bumabatak ng shabu sa Narciso Extention, Brgy. Malabanias sa lungsod. 

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

BUY-BUST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with