^

Probinsiya

Mga baril at bala nasamsam sa Gubat

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mga baril at bala nasamsam sa Gubat
Sa ulat, alas-7:00 ng gabi habang nagsasagawa ng intelligence operation ang mga tauhan ng 31st Infantry Batallion ng Philippine Army, 1st Provincial Mobile Force Company at Regional Mobile Force Batallion kasama ang apat na dating rebelde nang madiskubre nila ang mga nakatagong baril sa malapit sa bahay ng isang nagngangalang Discoro Perez.
PM/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Walong baril at tambak na mga bala ang nadiskubre ng mga pulis at sundalo habang nagsasagawa ng joint operation sa masukal na lugar ng Brgy. Togawe, Gubat, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, alas-7:00 ng gabi habang nagsasagawa ng intelligence operation ang mga tauhan ng 31st Infantry Batallion ng Philippine Army, 1st Provincial Mobile Force Company at Regional Mobile Force Batallion kasama ang apat na dating rebelde nang madiskubre nila ang mga nakatagong baril sa malapit sa bahay ng isang nagngangalang Discoro Perez.

Nasamsam ang da­lawang Uzi Machine Pistol, dalawang kalibre 45 pistola, apat na kalibre 38, tatlong handheld radio, mga magazine at 200-rounds ng bala mula sa naturang mga baril.

Tatlong linggo na ang nakakaraan, 10 piraso ng M16 armalite rifles at 85 kahon ng mga bala na may tatak pa mula sa Sandatahang Lakas ang natagpuan ng mga pulis at militar sa abandonadong bahay sa Sitio Angas, Brgy. Otavi, Bulan ng naturang lalawigan.

vuukle comment

BALA

BARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with