^

Probinsiya

63-anyos tinangkang gahasain ng manugang

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nag­sampa ng reklamo ang isang 63-anyos na lola laban sa kanyang manugang na umano’y nagtangkang humalay sa kanya kamakalawa, naganap sa Barangay Langagan, Sanchez Mira, Cagayan.

Sa salaysay ng biktima na itinago sa pa­ngalang Lola Sela, na alas-11:30 ng gabi ay nagising siya sa mahimbing niyang pagkatulog nang maramdaman niya na may humihimas sa maselang parte ng kanyang katawan.

Nang idilat niya ang kanyang mata ay nakita niya ang manugang na si Marlon Torres, 46 na tumigil sandal sa ginagawang kahayupan at inaanyayahan siyang makipagtalik.

Hindi nasiraan ng loob ang matanda at buong lakas nitong sinipa ang ari ni Torres na halumpihit sa sakit at mabilis na tumakas.

Ang suspek na pi­nag­hahanap ng pulisya ay sinampahan ng acts of lasciviousness sa tanggapan ni Prosecutor Murashid Susukan.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with