^

Probinsiya

Sekyu itinumba ng tandem

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Sekyu itinumba ng tandem
Kinilala ni Police Captain Abdulsalam Mama­linta, hepe ng Police Station 1 ng General Santos City Police Office ang biktima na si Miranda Lintang Tago, 46-anyos at residente ng Purok 13 Lanton, Barangay Apopong.
STAR/File

NORTH COTABATO, Philippines — Bumulagta ang isang security guard matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo sa Daproza Ave­nue, Brgy. Dadiangas North, General Santos City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Police Captain Abdulsalam Mama­linta, hepe ng Police Station 1 ng General Santos City Police Office ang biktima na si Miranda Lintang Tago, 46-anyos at residente ng Purok 13 Lanton, Barangay Apopong.

Sa imbestigasyon, alas-10:30 ng umaga habang binabagtas ng biktima ang nabanggit na lugar nang bigla na lamang tabihan ng dalawang suspek na magka-angkas sa motorsiklo at pinagbabaril. Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima na siyang dahilan ng kaniyang agarang pagkasawi.

Ayon sa mga testigo, sakay ng kulay itim na Yamaha Sniper 150 ang mga suspek at nakasuot ng black hoody jacket kung saan may namataan din umanong isa pang motorsiklo na kanilang posibleng “lookout”.

Ayon naman kay Mamalinta, ang biktima ay kabilang umano sa 1st Level ng drug watchlist ng PNP kung saan tinitingnan na rin ng kapulisan ang anggulong may kaugna­yan sa iligal na droga.

vuukle comment

RIDING IN TANDEM

SEKYU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with