^

Probinsiya

Killer ng tserman sa Cagayan timbog

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nasakote ng awtoridad ang itinuturong killer ng isang barangay chairman noong 2013 matapos siyang silbihan ng mandamiyento de aresto sa kanyang lungga sa Sanchez Mira, dito sa lalawigan noong Martes.

Kinilala ni P/ Master Sargeant Richie Roger Hernandez ang nadakip na si Alex Inong, 43, na siya umanong tunay na nakapatay kay Brgy. Chairman Valentin Corpuz ng Brgy. San Antonio, Claveria, Cagayan.

Unang itinurong prime suspect ng mga imbestigador ang kinakasama ng nasabing opisyal na si Eusebia Driza sa hinalang selos o “crime of passion” ang krimen. Gayunman, sa pagsisiyasat na namamasyal noon sa tabing dagat ang tserman na may kasamang ibang babae nang magkrus ang landas nila ni Inong na pawang lasing kasama ang dalawa pang lalaki.

Nagkaroon ng pambuno sa baril ni Corpuz at si Inong kasunod ng kanilang pagtatalo at nakalabit ng huli ang gatilyo na ikinamatay ng una.

Sa ngayon, tumatayong state witness laban kay Inong ang dating lover ng napatay na opisyal.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with