Binatang rider dedo sa hit & run
Kinilala ni P/Major Rolando Geronimo, ­acting Chief of police ng Guiguinto PNP ang biktima na si Ehdglen Fajardo, 24 anyos, binata ng Bagong Barrio st., Brgy. Wawa, Balagtas, Bulacan.
STAR/File
Binatang rider dedo sa hit & run
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2020 - 12:00am

GUIGUINTO, Bulacan, Philippines — Nagkadurog-durog ang katawan ng isang binata matapos na masagasaan ng isang rumaragasang kotse kamakalawa ng gabi sa Brgy. Cruz ng nasabing bayan.

Kinilala ni P/Major Rolando Geronimo, ­acting Chief of police ng Guiguinto PNP ang biktima na si Ehdglen Fajardo, 24 anyos, binata ng Bagong Barrio st., Brgy. Wawa, Balagtas, Bulacan.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-10:45 ng gabi, habang papaliko ang biktima sa kanto ng nasabing barangay sakay ng kanyang motorsiklo nang bigla na lamang siyang sagasaan ng rumaragasang puting KIA Sorento na may plakang UIL 643.

Sa lakas ng pagkakasalpok sa biktima, tumilapon ito ng halos 15 metro at nawasak ang motorsiklo habang lasog ang katawan ng biktima. Tumakas ang drayber ng kotse na nakilalang si Bon Edralin Gulapa ng Garnet St. Carva Ville, Brgy. Sabang, Baliwag, Bulacan.

Sa follow-up operation, natagpuan ng mga pulis ang ”killer car” na nakaparada sa gilid ng kalsada sa Brgy. Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan na inabandona ng drayber na target ngayon ng manhunt operation ng Guiguinto Police.

MOTORCYCLE RIDER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with