Fil-Am nagwala, hindi nagbayad ng hotel arestado
Mga kasong estafa, malicious mischief at physical injury ang kinakaharap ng suspek na kinilalang si James Michael Thomas, 36-anyos, tubong Hawaii, USA at negosyante sa Brgy. 67 Zone 72, District 5, Malate, Manila.
STAR/File

Fil-Am nagwala, hindi nagbayad ng hotel arestado

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - July 8, 2020 - 12:00am

CAVITE , Philippines — Kalaboso ang isang Filipino-American citizen matapos umanong magwala, manakit, magbasag ng salamin ng tinutuluyang hotel at hindi magbayad ng kanyang bills sa Bacoor City kamakalawa.

Mga kasong estafa, malicious mischief at physical injury ang kinakaharap ng suspek na kinilalang si James Michael Thomas, 36-anyos, tubong Hawaii, USA at negosyante sa Brgy. 67 Zone 72, District 5, Malate, Manila.

Si Thomas ay inireklamo nina Ronald Cabrito at Richard Malabanan, kapwa managers ng isang kila­lang hotel sa Molino, Brgy Talaba IV, Bacoor City kung saan nag-check in ang una.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Edilberto Reyes ng Bacoor City Police, dalawang linggo na umanong naka-check in si Thomas sa hotel at kamakalawa ng alas-3:30 ng hapon ay nagtungo siya sa front desk at humingi ng extension sa pananatili sa kanyang hotel room. Gayunman, hindi na pinayagan ng pamunuan ng hotel si Thomas sa hirit nitong extension dahil hindi pa nito nababayaran ang dalawang linggong hotel bills na nasa P4,800.

Bunsod nito, biglang nagalit umano si Thomas at sinuntok ang salaming bintana ng hotel dahilan ng pagkakasugat ni Malabanan.

Agad na tumawag ng responde ang mga mana­gers ng hotel sa pulisya at inaresto ang suspek na ngayo’y naghihimas ng rehas na bakal.

ARESTADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with